José Rizal
José Rizal | |
---|---|
Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas. | |
Ibang pangalan: | José Rizal |
Kapanganakan: | Hunyo 19, 1861 |
Lugar ng kapanganakan: | Calamba, Laguna,Pilipinas |
Kamatayan: | Disyembre 30, 1896 (edad 35) |
Lugar ng kamatayan: | Bagumbayan (Luneta ngayon),Maynila, Pilipinas |
Pangunahing organisasyon: | La Solidaridad, La Liga Filipina |
Pangunahing monumento: | Liwasang Rizal |
- Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw).
Si Dr. José Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda [1] (Ika-19 ng Hunyo1861–Ika-30 ng Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani..[2]
Mga nilalaman[itago] |
[baguhin]Mga Akda
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang El Filibusterismona nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886)at Noli Me Tangere , sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng EL FILIBUSTERISMO. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
[baguhin]Buhay Pag-ibig
Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-isang na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason. Una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(Jacinta Laza).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Velasquez at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.
[baguhin]Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
- na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
- na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
- na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
- kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
- pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan,Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
[baguhin]Ang Pagpatay kay Jose Rizal
Noong 1896, natuklasan ang lihim ng KKK, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Ferdinand Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultorescoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento