Huwebes, Disyembre 20, 2012

Dear Diary,
        Tinawag ako ng mga kaibigan ko na magsimbang gabi at sumama ako. Habang nasa simbang gabi kami ay pinag uusapan namin kong anung susuutin namin mamayang christmas party excited na excited kami. Pag uwi namin kumain kaagad kme nag lugaw sa tindahan at nagkwekwetuhan kami. Maya maya ay nagbihis na kami para pumunta sa xmas party medyo masaya naman at boring.Pagkatapos umuwi na kaagad kami at pumunta nalang kami sa Sta.Lucia.

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Dear Diary,
         Hindi ako nakapagsimbang gabi kasi napuyat kaya pumasok nalang kaagad aku pero sayang hindi ko nakumpleto yong simbang gabi. Habang nasa paaralan minsan may guro at wala kaya gumagawa nalang ako ng tulong sa pag aaral sa AP ko kasi malapit n ang pasahan.Uwian na may cultural show kame na papanuodin ng alas quatro ng hapon at pupunta naman ako habang nanunuod medyo hindi na masaya kasi napanuod ko na yong iba,pagkatapos ay umuwi na ako at hindi na ako sumama sa mga kaklase ko na pumunta sa Marikina.

Martes, Disyembre 18, 2012

Dear Diary,
          Maaga akong nagising para magsimbang gabi naligo na ako at kumain ng agahan. Pagkatapos kong magsimba mabilis akong umuwi at nagbihis kaagad baka mahuli ako sa klase ngayon eh. Habang nasa paaralan maraming hindi pumasok at mayroon din walang guro. Pagkauwi ko gumawa ako kaagad na gumawa ako ng tulong sa pag aaral sa AP kasi malapit na iyong pasahan nito. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pagsusulat nakakapagod kase eh.

Lunes, Disyembre 17, 2012

Dear Diary,
          Maaga akong nagising para magsimbang gabi at pumasok na ako pagkatapos kong magsimba.
Maaga ang uwian ngayon dahil hanggang 10:30 lang para sa hapon sa myay gaganapin na cultural show. Sinamahan ko ang kapatid ko para manuod dahil aabutin siya ng gabi doon baka may mangyari sa kanya kaya sumama ako. Pagkauwi ko ay may kantahan sa bahay kaya naman pala kaarawan ng aing papa nagulat ako dahil hindi ko alam kasi ngayon lang ako nandito.

Martes, Oktubre 9, 2012

BIBLIOGRAPHY

BIBLIOGRAPHY
          -AY ANG TALAAN NG MGAPINAGHANGUAN NG MGA GINAMIT NA IMPORMASYON SA PAGSULAT NG ISANG ARTIKULO O AKLAT NA NAILATHALA NG ISANG MANUNULAT SA ISANG PARTIKULAR NA PAKSA

Mga Teoryang Pampinitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

1.ROMANTISISMO
2.KLASISISMO 
3.HUMANTISISMO 
4.EKSISTENYALISMO
5.IMAHISMO

Ngayon Pa Lang Tagumpay Ka Na Lyrics


Lea Salonga Ngayon Pa Lang Tagumpay Ka Na Lyrics


Lagi kitang sinusubaybayan 
Nananaginip na balang araw ay maging katulad mo 
Magbigay ng dangal sa bayan ko at sigla sa buong mundo 
Ipagkakapuri ng magulang ko 

Oh, minsan ako'y nangarap tulad mo 
Kaypalad ko't maagang nabatid ang totoo 
Dapat lang magtiwala ng lubos sa sarili't husay mo 
Ibigay lahat ng makakaya mo 
[ Lyrics from: http://www.lyricsfreak.com/l/lea+salonga/ngayon+pa+lang+tagumpay+ka+na_10163334.html ] 
At pagmasdan, makakamit lahat ng inaasam 
Unti-unti maaabot ang mga pangarap mo 
Kung nais pa'y lumipad sa rurok ng iyong isipan 
Ibigay lang ang lahat ng makakaya mo 
Kahit hindi mo pa panahon 
Ngayon pa lang tagumpay ka na 


Dapat lang magtiwala ng lubos 

Sa sarili't husay mo 

Ibigay lahat ng makakaya mo 

At pagmasdan makakamit lahat ng inaasam 
Unti-unti maaabot ang mga pangarap mo 
Kung nais pa'y lumipad sa rurok ng iyong isipan 
Ibigay lang ang lahat ng makakaya mo 
Kahit hindi mo pa panahon 
Ngayon pa lang... 

Kahit hindi mo pa panahon 
Ngayon pa lang 

Kahit hindi mo pa panahon 
Ngayon pa lang tagumpay ka na 
Tagumpay ka!

Batang-bata ka pa


Batang Bata Ka Pa 


Batang-bata ka pa at marami ka pang 
Kailangang malaman at intindihin sa mundo 
Yan ang totoo 
Nagkakamali ka kung akala mo na 
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang 

Batang-bata ka lang at akala mo na 
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan 
Tanggapin mo na lang ang katotohanan 
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam 
Makinig ka na lang, makinig ka na lang 

[chorus 1] 
Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan 
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman 
Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos pa lamang 
At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian 
[ Lyrics from: http://www.lyricsfreak.com/a/apo+hiking+society/batang+bata+ka+pa_20596984.html ] 
Batang-bata ako at nalalaman ko ‘to 
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan 
Ngunit kahitganyan ang kinalalagyan 
Alam mo na may karapatan angbawat nilalang kahit bata pa man, kahit bata pa man 


[chorus 2] 
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan 
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan 
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay 
Maging tunay na malaya ‘sang katangi-tanging bata 

 
Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malamn at intindihin sa mundo 
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan 
Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam mo na ang lahat na kailangang malaman 
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan 
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang 


La, la, la, la, la, la, la 
La, la, la, la, la, la, la

Sa Bagong Paraiso

Buod: 


Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw%2
Answers.com Wiki Answers > Buod ng kuwentong Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg

REFLECTION:
          ANG AKDANG ITO AY TUMUTUKOY SA DALAWANG MAGKASINTAHAN NA KUNG SAAN PINAGHIHIWALAY SILA NG KANILANG MAGULANG PARA SA KANILANG KINABUKASAN BALANG ARAW. 

Ang Guryon


Saan Patungo ang Langay-langayan?

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako.
Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari’y lumalaki, at ako’y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa’y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako’y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako’y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?)
Ito ang aking mithi: Paglaya.
At ako’y nagtatanong: Ano ang paglaya?
Ang paglaya’y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya’y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya’y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya’y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili?
Sa salamin, ang larawan ko’y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo’y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno’y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo’y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako’y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang – ang makalaya sa kaalipinan.
Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito’y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito’y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko’y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano?
Sa salamin ay naroon ako.
Ako’y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito’y naganap, nawala ang ligaya, nahalili’y hapis. At ako’y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala.
Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan.
Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki’y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari’y tuluyan nang nawaglit?
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako’y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko’y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso.
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba’t luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa’y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito’y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo’t masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito’y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim.
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki’y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao.
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka’y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. (“Huwag ninyong kakainin ito.” Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya.
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw – naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit – naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin – naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito’y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha.
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba’t sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan – nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.).
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo’y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig (“Hayo at magsupling!”) kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis!
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao.
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan.
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso’y napalutang na ako, kasama ang sa aki’y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok – pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito’y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao.
At habang umiinog ang araw – sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo’t laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako’y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.).
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas – tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay.
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko’y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko’y walang tinig.)
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa’t isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito’y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito’y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya!
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito’y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.
Patuloy ang buhay: pumipintig, kumikilos, humahalakhak sa lahat ng dako ng daigdig. Lumalakad sa lupa, napapatitianod sa tubig, lumilipad sa himpapawid, iyan ang buhay. Patuloy rin ang Tao sa kanyang pakikipaghamok sa sarili at sa daigdig. At ako’y patuloy sa paghahanap ng tunay na paglaya sa kaalipinan sa sarili.
Nalikha ang maraming bagay na panghalip sa ibang niyari ng Maykapal. Nakagawa ang Tao ng maraming bagay na wari’y nakaligtaang ipagkaloob ng kalikasan. Sino ang may-ari nito? Tutugon ako, na Taong mapanarili: Ako.
Subalit ako’y hindi lamang nag-iisa. Marami ako: libu-libong ako, laksa-laksang ako. At naroroon sa lahat ng dako. Iba-iba ang aking anyo, ugali, wika, iba-iba ang aking larawan. Subalit sa tanaw ng Diyos na lumikha sa akin ay iisang lahat ng ito. Ang Tao’y iisa, iisang kalahatang may iba-ibang tibok at pintig.
Nais lupigin ng Taong nakikipaghamok sa sarili ang buong daigdig, ang buong sansinukob. Ang kalawakan ay nais masakop, nais maangkin. Ngayon ay nalikha ang isang kababalaghan. Lumilitaw ang pagkamanlilikha ng Tao, lumilitaw ang kanyang pagka-Diyos – Ito na kaya? Ito na kaya ang kalayaang laon nang hinahanap ng Tao? Ngunit hindi, hindi, hindi pa ito ang kalayaang pagpakilala sa sarili at pagkaunawa sa kahulugan ng buhay. Hindi pa nga ito pagkat hindi pa nakikilala ng tao ang kanyang sarili, hindi pa niya nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay. Bakit?


REFLECTION:

           ANG AKDANG ITO AY TUMUTUKOY SA TAO NA MAY KAGUSTUHAN O NAGHAHANGAN NA MAGING MALAYA .   


Ang Guryon ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
REFLECTION:
         ANG TULANG GURYON  NA GINAMIT SA TULA AY TUMUTUKOY SA BUHAY NG TAO NA INAKALA KO NOON NA GINAWA LANG NG AMA PARA SA ANAK UPANG MAPAGLARUAN LAMANG.         

Huwebes, Agosto 30, 2012

Dekada Sitenta



Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.[1] Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.
Isang makahulugan ngunit hindi mapanghimagsik na nobelang Pilipino, ang Dekada '70 ay isa sa dalawang nagwagi ng mga pangunahing Gantimpalang Palanca noong 1983.[



REFLECTION: 
           ANG AKDANG ITO AY TUMATALAKAY SA MGA NAGANAP NA PANGYAYARI SA ATING BANSA SA PANAHONG MARCOS NA KUNG SAAN PINATUPAD NIYA ANG MARTIAL LAW AT BATAS MILITAR NA KUNG SAAN WALANG KALAYAANANG MGA TAO.

Sa Tabi ng Dagat ni Idelfonso Santos


Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos


Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…
Answers.com Wiki Answers > Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos

REFLECTION:

      ANG TULANG ITO AY TUMUTUKOY SA ISANG ARAW NA PAG-IIBIGAN NG MAGKASINTAHAN SA TABING DAGAT.

Kahapon,ngayon,at bukas


Buod kahapon ngayon at bukas ni aurelio tolentino


10/11/09 


Kahapon Ngayon At Bukas 

ni Aurelio Tolentino







Kalayaan : ama ni Walangtutol. 

Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas. 

Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya. 

Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika. 

Masunurin : ang babaeng pilipina. 

Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan) 

Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya. 

Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika. 

Asalhayop : ang mapaglilong tagalog. 

HaringBata : ang haring Intsik. 

Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan. 

Halimaw : ang Kastilang pari. 



Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at 
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.
Answers.com Wiki Answers > Buod kahapon ngayon at bukas ni aurelio tolentino

REFLECTION:                

        ANG AKDANG ITO AY TUMATALAKAY SA MGA KASAYSAYAN NAGANAP SA ATING BANSA NA KUNG SAAN SINAKOP TAYO MG MGA DAYUHAN NOON.

Miyerkules, Agosto 15, 2012

Martes, Hulyo 24, 2012

Talambuhay ni Dr.Jose P. Rizal


José Rizal

José Rizal
Jose rizal 01.jpg
Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.
Ibang pangalan:José Rizal
Kapanganakan:Hunyo 191861
Lugar ng kapanganakan:CalambaLaguna,Pilipinas
Kamatayan:Disyembre 30, 1896 (edad 35)
Lugar ng kamatayan:Bagumbayan (Luneta ngayon),MaynilaPilipinas
Pangunahing organisasyon:La SolidaridadLa Liga Filipina
Pangunahing monumento:Liwasang Rizal
Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw).
Si Dr. José Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda [1] (Ika-19 ng Hunyo1861Ika-30 ng Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani..[2]

Mga nilalaman

  [itago

[baguhin]Mga Akda

Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang El Filibusterismona nilimbag sa BerlinAlemanya (1886)at Noli Me Tangere , sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng EL FILIBUSTERISMO. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

[baguhin]Buhay Pag-ibig

Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-isang na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason. Una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(Jacinta Laza).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Velasquez at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.

[baguhin]Mga Pamanang-lahi

Si Jose P. Rizal o mas kilalang pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
  1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
  2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
  3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
  4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
  5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan,Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

[baguhin]Ang Pagpatay kay Jose Rizal

Pagbaril kay José Rizal sa Bagumbayan.
Noong 1896, natuklasan ang lihim ng KKK, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Ferdinand Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultorescoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."